ARTICLE -II (ANG LAYUNIN NG PAGKALIKHA AT ANG TUNGKULIN NG TAO)
Article -2
Ano ang Layunin at Tungkulin ng tao Bakit siya nilikha ng Diyos ayon sa Biblia ?
Tanungin natin ang Diyos Bakit niya ba nilikha ang tao ano ang layunin nito?
Ito ang sabi ng Haring si David:
"Namamalagi sa araw na ito ayon sa iyong mga alituntunin; sapagka't lahat ng bagay ay mga lingkod mo.(Mga Awit 119:91)
Sabi ng Haring si David ang lahat ng bagay kasama ang tao ay LINGKOD NG DIYOS kaya nilikha ng Diyos ang tao sa isang layunin lahat ng bagay nilikha niya para maging lingkod at ang tungkulin ng Lingkod ay maglingkod.
"Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.(Mga Awit 100:2-3)
Paano ginagawa ang Tungkulin ng Lingkod?
"Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo'y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin.(Lucas 17:10)
Ano ang tungkulin ng Lingkod ang gumawa ng lahat ng mga bagay na INIUTOS.
Ano ang iniutos na gagawin?
"Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. (Mateo 6:10)
Ang iniutos na gawin ay ang Kalooban ng Diyos kung paano ginagawa ito sa langit gagawin din ito ng mga lingkod dito sa lupa.
Anong Kalooban ito na iniutos na gawin?
"Lahat ng mga bansa na iyong nilalang ay magsisiparito, at magsisisamba sa harap mo, Oh Panginoon; at kanilang luluwalhatiin ang iyong pangalan.(Mga Awit 86:9)
Ang sambahin ang Diyos at Paglingkuran.
"Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.Sapagka't siya'y ating Dios, at tayo'y bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay. Ngayon, kung inyong didinggin ang kaniyang tinig!(Mga Awit 95:6-7)
"Ikaw ay matakot sa Panginoon mong Dios; at sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa pamamagitan lamang ng kaniyang pangalan susumpa ka.(Deuteronomio 6:13)
Paano sinasamba ang Diyos?
"Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: inyong sambahin ang Panginoon sa kagandahan ng kabanalan. (Mga Awit 92:2)
Sasambahin ang Diyos sa kagandahan ng kabanalan! Ngayon Paano sinasamba ang Diyos sa kagandahan ng kabanalan.
"Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.(1 Pedro 1:15-16)
Ngayon ang tanong natin bakit nilikha ng Diyos ang tao ano ang dahilan????
"Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa. (Isaias 43:7)
Bakit nilikha ng Diyos ang tao para sa KALUWALHATIAN niya.
Ngayon Anong Kaluwalhatian ito na duon niya nilikha ang tao?
"Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig: Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban, Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal:(Efeso 1:4-6)
Itinalaga niya ang pagkukupkop na tulad sa sa mga anak sa pamamagitan ni Jesu Cristo na pinili upang maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa Pag -ibig bago itinatag ang sanlibutan ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban sa IKAPUPURI NG KANYANG KALUWALHATIAN NG KANIYANG BIYAYA.
Ngayon Bakit sila itinalaga bago itatag ang sanlibutan?
"Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:(Roma 8:29)
Itinalaga sila upang maging katulad ng larawan ng kanyang Anak na si Jesu Cristo.
Ngayon Bakit ganito pinanukala ng Diyos ang kaniyang paglalang.
"Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang;Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.(Colosas 1:15-17)
Sa pamamagitan pala ng Anak nilalalang ang lahat ng bagay kaya marapat lang na sa kaniya itinalaga ng Diyos ang lahat ng bagay.
"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. (Juan 1:1-3)
Ngayon Bakit nilalang Tayo sa pamamagitan ni Kristo ano ang kadahilanan?
"Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.(Efeso 2:10)
Nilalang pala ang tao kay Cristo para sa mabubuting gawa na inihanda ng Diyos nang una upang siya nating lakaran.
Kaya nung lalangin ng Diyos ang tao nakita niya na ito ay NAPAKABUTI.
"At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae..."At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.(Genesis 1:27,31)
Sa Panukala ng Diyos ginawa niya ang tao ayon sa kanyang wangis at larawan na napakabuti (Genesis 1:26) at ginawa niyang matuwid. (Eclesiastes 7:29)
Ngayon ang Tanong natin ano ang boung katungkulan ng tao bakit siya nilalang?
Ito ang katungkulan ng tao!
"Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao. (Eclesiastes 12:13)
Ang boung katungkulan ng tao ay ang matakot sa Diyos at sundin ang kaniyang mga utos ito ang mabuti gawa at matuwid na inihanda ng Diyos ng una upang siya nating lakaran ang kanyang mga utos ay matuwid at mabuti .(Roma 7:12) na lalakaran ng tao.
Mapalad silang sakdal sa lakad, na nagsisilakad sa kautusan ng Panginoon. (Mga Awit 119:1)
"Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan; Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na ibigin mo ang Panginoon mong Dios, na lumakad ka sa kaniyang mga daan, at tuparin mo ang kaniyang mga utos, at ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang mga kahatulan, upang ikaw ay mabuhay at dumami, at upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.(Deuteronomio 30:15-16)
Ngayon ang tanong Ano ang dahilan bakit nilikha ng Diyos ang tao?
Ang sagot dahil KAALIWAN ng Diyos ang mga ANAK NG MGA TAO.
"Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao. (Kawikaan 8:31)
At dahil kaaliwan niya ang tao na kaniyang nilikha ang Diyos ay nalulugod sa mga anak ng tao.
"Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.(Lucas 2:14)
Ngayon Sino itong mga taong kinalulugdan niya?
At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao: Kundi sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya. (Mga Gawa 10:34-35)
Kalugudlugod sa Diyos ang mga tao na may takot sa kanya at gumagawa ng katuwiran o mga utos ng Diyos.
Pinakamamahal kasi ng Diyos ang tao sa lahat ng mga nilikha niya?
"Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios; sapagka't ang Dios ay pagibig..."Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin. (1 Juan 4:8,19)
Comments
Post a Comment