ARTICLES OF FAITH -I (KAILANGAN BA ANG TAO MANIWALA MAY DIOS AT BAKIT LUMIKHA ANG DIYOS )



ARTICLES OF  FAITH -1

Kailangan ba ang Tao maniwalang  may Diyos ayon sa Biblia ?

Alam natin na sa Pag-iral ng tao sa mundo  mayroon ng pitak sa puso ng tao na nag uudyok sa tao na kumilala sa Diyos!

At itong udyok ang nagtuturo sa tao na magtanong!

Basahin natin:

"Sapagka't ipagtanong mo nga sa mga araw na nagdaan, na nangauna sa iyo, mula nang araw na lalangin ng Dios ang tao sa ibabaw ng lupa, at mula sa isang hangganan ng langit hanggang sa kabila, kung nagkaroon ng gaya ng dakilang bagay na ito, o may narinig na gaya nito? Narinig ba kaya kailan man ng mga tao ang tinig ng Dios na nagsalita sa gitna ng apoy, gaya ng narinig mo, at nabuhay?(Deuteronomio 4:32-33)

Kaya hindi maiiwasan ng tao ang magtanong kung may Diyos nga ba?Ngayon Paano natin papatunayan na may Diyos na Lumikha ng lahat ng bagay ano ang ating gagawin panukat para patunayan ang pag iral nito.

Para matiyak natin ang pag -iral nito ano una natin tignan ito ang sabi ng Diyos?

"Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil? (Isaias 43:13)

Sabi ng Diyos "Ako'y gagawa,at sinong pipigil? Kaya titignan natin kung may ginawa  ,may ginawa ba ang Diyos kung mayroon ibig sabihin may gumawa at ang gumawa ay ang Diyos.

"Sapagka't ang bawa't bahay ay may nagtayo; datapuwa't ang nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Dios. (Hebreo 3:4)

May Patunay ba tayo na siya nga ang gumawa ng lahat ng mga bagay?

"Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay; Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay; (Mga Gawa 17:24-25)

At itong gawa ng Diyos ang naghahayag na may Diyos.

"Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan: (Roma 1:20)

Ano ba ang dapat mapagtanto sa mga gawa ng Diyos.

"Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios; at ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita, at sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.(Mga Awit 19:1-2)

Dapat mapagtanto ng tao na itong gawa ng Diyos ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos at nagpapakilala ng kanyang kaalaman sapagkat ang gawa ng Diyos ay dakila at ang gawa ng kanyang kamay ay niyari sa katotohanan at sa kahatulan o katuwiran.(Mga Awit 111:2,7-8)

Ngayon Bakit dakila ang gawa ng Diyos na nagpapakilala ng kanyang kaalaman .

"Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa:(Jeremias 10:12)

At sa paano niya ito ginawa?

"Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig..."Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag.(Mga Awit 33:6,9)

Sa pamamagitan ng Salita  ng Panginoon nayari ang ang mga langit at ang lahat  ng mga natatanaw ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig sapakat siya ay nagsalita at nagyari.

Ngayon Bakit pinangyari ng Diyos na malikha  ang lahat ng bagay? Ano ang dahilan ng Diyos.

Ito ang sagot :

"Nguni't ang aming Dios ay nasa mga langit: kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin. (Mga Awit 115:3)

Bakit gumagawa ang Diyos ,ginagawa kasi ng Diyos ang kanyang ibig gawin kaya kung ginawa niya man ito dahil "GUSTO O IBIG " niya  period????

Ngayon dahil Ibig ng Diyos na gawin ang gusto niya ginagawa niya ito dahil SIYA ay naliligayahan?

"Na nagpapahayag ng wakas mula sa pasimula, at mula nang mga unang panahon, ng mga bagay na hindi pa nangyayari; na nagsasabi, Ang payo ko ay mananayo, at gagawin ko ang aking buong kaligayahan:(Isaias 46:10)

Kaya ang dahilan ng paglikha ng Diyos dahil GUSTO niya at ginawa  niya ito dahil ito ang kanyang BOUNG KALIGAYAHAN.

Kaya walang karapatan ang tao na Questionin ang Diyos  sa GUSTO niya?

Tama????

"Nguni't, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito? O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa'y sa ikahihiya.(Roma 9:20-21)

Ngayon sasagutin  na natin ang tanong bakit kailangan  ng tao maniwalang may Diyos?

ito ang sagot:

"Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. (Mga Awit 100:3)

Bakit kailangan????
sapagkat siya ang lumalang sa atin at tayo ay kanya ito ang dahilan kaya kailangan nating  maniwala sa  kanya.

Ang Patunay na ang tao ay kanya sa pamamagitan  niya tayo ay nangabubuhay at nagsisikilos at mayroon tayong pagka-tao.

"At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan; Upang kanilang hanapin ang Dios baka sakaling maapuhap nila siya at siya'y masumpungan, bagaman hindi siya malayo sa bawa't isa sa atin: Sapagka't sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka't tayo nama'y sa kaniyang lahi.(Mga Gawa 17:26-28)

At ang pagkilala ng tao sa  Diyos ay naghahatid sa tao  sa  buhay na walang hanggan?

"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. (Juan 17:3)

At ang dahilan ng paglikha ng Diyos sa tao para itong tao na nilikha niya ay kumilala sa kanya.

Kaya nilikha niya ang tao para kumilala sa kanya.

"Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Dios: ako'y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, ako'y mabubunyi sa lupa. (Mga Awit 46:10)

Ang tao ang saksi ng Diyos na kikilalala sa kanyang kadakilaan?

"Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko. (Isaias 43:10)

Comments

Popular Posts