SINO ANG TAO SA HARAP NG DIYOS (Article -3)
Article -3
Sino ang Tao at Ano ang mayroon sa tao na ginawa ng Diyos ayon sa Biblia ?
Si Job ay nag tanong sa Diyos kung Sino ang tao at ito ang tanong ni Job.
"Ano ang tao, na iyong palalakhin siya, at iyong ilalagak ang iyong puso sa kaniya,At iyong dadalawin siya tuwing umaga, at susubukin siya sa tuwi-tuwina?(Job 7:17-18)
Sa tanong ni Job alam ni Job na ang tao pala mahalaga sa Diyos sapagkat pinaglagakan niya ito ng kanyang PUSO sa tao inilagak ng Diyos ang kanyang puso.
Ngayon mahalaga ba ang tao sa Paningin ng Diyos?
Ganito ang sabi ng ating Panginoong Jesu Cristo?
"Hindi baga ipinagbibili ng isang beles ang dalawang maya? at kahit isa sa kanila'y hindi mahuhulog sa lupa kung hindi pahintulot ng inyong Ama: Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat.Huwag nga kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.(Mateo 10:29-31)
Lalong mahalaga pala ang tao sa Paningin ng Diyos kay sa maraming maya anopat maging ang buhok sa ating ulo bilang ng Panginoon ganun ka halaga ang tao sa Diyos.
Bakit Ganon kahalaga ang tao sa Diyos ano ang dahilan?
"Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios: (Santiago 3:9)
Ginawa pala ng Diyos ang Ayon sa kaniyang Larawan, kaya kalarawan ng tao ang Diyos kaya ganun nalang kahalaga ang tao sa paningin ng Diyos.
Ano patunay na ginawa ang tao ayon sa larawan ng Diyos?
"At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.(Genesis 1:26)
Ngayon alin ang larawan o wangis ng Diyos na duon niya ginawa ang tao?
"Tungkol sa akin, aking mamasdan ang iyong mukha sa katuwiran: ako'y masisiyahan pagka bumangon sa iyong wangis.(Mga Awit 17:15)
Alin ang wangis o larawan ng Diyos ito ang kanyang katuwiran na nilalang niya ang tao sa kanyang katuwiran at sa kabanalan ng kanyang katotohanan.
"At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.(Efeso 4:24) na may bagong pagkatao na nagbabago sa kaalaman ayon sa larawan niyaong lumalang sa kaniya.(Colosas 3:10)
Bakit nagbabago sa Kaalaman?
"Na siyang nagtuturo sa atin ng higit kay sa mga hayop sa lupa. At ginagawa tayong lalong pantas kay sa mga ibon sa himpapawid? (Job 35:11)
Ito ang isa kaibahan natin sa hayop sapagkat tinuruan tayo ng Diyos at ginawa tayong lalong pantas o matalino kay sa mga hayop sa lupa at sa mga ibon sa himpapawid.
Ngayon Anong karangalan ang ibinigay ng Diyos sa tao na kanyang nilikha?
"Ano ang tao upang iyong alalahanin siya? At ang anak ng tao, upang iyong dalawin siya?Sapagka't iyong ginawa siyang kaunting mababa lamang kay sa anghel, at pinaputungan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.Iyong pinapagtataglay siya ng kapangyarihan sa mga gawa ng iyong mga kamay; iyong inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa:Lahat na tupa at baka, Oo, at ang mga hayop sa parang;Ang mga ibon sa himpapawid, at ang mga isda sa dagat, anomang nagdaraan sa mga kalaliman ng mga dagat.( Mga Awit 8:4-8)
"Nguni't pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi, Ano ang tao, upang siya'y iyong alalahanin? O ang anak ng tao, upang siya'y iyong dalawin?Siya'y ginawa mong mababa ng kaunti kay sa mga anghel; Siya'y pinutungan mo ng kaluwalhatian at ng karangalan, At siya'y inilagay mo sa ibabaw ng mga gawa ng iyong mga kamay:Inilagay mo ang lahat ng mga bagay sa pagsuko sa ilalim ng kaniyang mga paa.(Hebreo 2:6-8)
Ginawa ng Diyos ang tao mababa lamang kay sa anghel at pinutungan niya ito ng kaluwalhatian at karangalan at inilagay ang lahat ng bagay sa kaniyang mga paa at upang magkaroon ng kapangyarihan maging sa mga hayop sa lupa sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid. (Genesis 1:26-28 ) anopat ang takot at sindak ay mapasa bawat hayop.(Genesis 9:2)
Ginawa ito ng Diyos dahil mahal ng Diyos ang tao na kanyang nilikha.
"At ating nakilala at ating sinampalatayanan ang pagibig ng Dios sa atin. Ang Dios ay pagibig; at ang nananahan sa pagibig ay nananahan sa Dios, at ang Dios ay nananahan sa kaniya..."Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin. (1 Juan 4:16,19)
Nilikha niya ang tao mula sa alabok ng lupa o putik (Job 10:9,Job 33:6) ibig sabihin alabok ng lupa na nilagyan ng tubig at hiningahan ang ilong ng hininga ng buhay at ang tao ay naging kaluluwang buhay?
"At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. (Genesis 2:7)
Ngayon itong tao na nilikha ng Diyos nilagay niya ito sa halamanan ng Eden?
"At naglagay ang Panginoong Dios ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silanganan: at inilagay niya roon ang taong kaniyang nilalang.(Genesis 2:8)
At ibinigay ng Diyos sa tao ang karapatan na ingatan at alagaan ang halamanan ng Eden. (Genesis 2:15) at duon sa halamanan ibinigay ng Diyos sa tao ang kapangyarihan sa lahat ng uri ng mga hayop.(Genesis 1:26) at maging ang pangalanan ang mga ito.(Genesis 2:19-20)
At sinabi ng Panginoon?
"At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya'y ilalalang ko ng isang katulong niya. (Genesis 2:18)
Kaya gumawa ang Diyos ng babae mula sa tadyang ni Adam na pinaghilom upang maging katulong ng lalake. (Genesis 2:21-23) at tinawag na Eva ng lalake ang kanyang asawa sapagkat siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.(Genesis 3:20) at binasbasan ng Diyos ang mag asawa at sa kanila ay sinabi.
"At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.(Genesis 1:27-28)
Ang tao ang ginawang tagapamahala ng Diyos sa kanyang mga pag-aari sa lupa bilang kanyang aliping katiwala.(Mateo 24:45,47)
Ano ang kalagayan ng tao duon sa halamanan ng Eden?
Duon sa halamanan may kakayahan ang tao na mabuhay na walang kamatayan.(Genesis 2:16-17)
Sagana rin duon ang tao sa pagkain mula sa bunga ng mga punong kahoy at mga halaman. (Genesis 2:16) "Kaniyang dinidilig ang mga bundok mula sa kaniyang mga silid: ang lupa'y busog sa bunga ng iyong mga gawa.Kaniyang pinatutubo ang damo para sa mga hayop, at ang gugulayin sa paglilingkod sa tao: upang siya'y maglabas ng pagkain sa lupa:At ng alak na nagpapasaya sa puso ng tao, at ng langis upang pasilangin ang kaniyang mukha, at ng tinapay na nagpapalakas ng puso ng tao.(Mga Awit 104:13-15)
At duon sa Eden ay bibigyan ka duon ng Diyos mga bagay na ito???
"Kaniyang ililigtas ka sa anim na kabagabagan. Oo, sa pito, ay walang kasamaang kikilos sa iyo.Sa kagutom ay tutubusin ka niya sa kamatayan; at sa pagdidigma ay sa kapangyarihan ng tabak.Ikaw ay makukubli sa talas ng dila; na hindi ka man matatakot sa paggiba pagka dumarating.Sa kagibaan at sa kasalatan ay tatawa ka; ni hindi ka matatakot sa mga ganid sa lupa.Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.At iyong makikilala na ang iyong tolda ay nasa kapayapaan; at iyong dadalawin ang iyong kulungan, at walang mawawala na anoman.Iyo rin namang makikilala na ang iyong binhi ay magiging dakila, at ang iyong lahi ay gaya ng damo sa lupa.(Job 5:19-25)
Mararanasan din ito ng tao duon sa Halamanan ng Eden???
Walang pagsala ngang iyong itataas ang iyong mukha na walang kapintasan; Oo, ikaw ay matatatag, at hindi matatakot:Sapagka't iyong malilimutan ang iyong karalitaan; iyong aalalahaning parang tubig na umaagos:At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga.At ikaw ay matitiwasay sapagka't may pagasa; Oo, ikaw ay magsiyasat sa palibot mo, at magpapahinga kang tiwasay .Ikaw nama'y hihiga at walang tatakot sa iyo; Oo, maraming liligaw sa iyo.(Job 11:15-19)
Maging ito ???
mapupuspos sila duon ng kagalakan na may kasiyahan magpakailanman ito ang magiging estado ng tao duon sa halamanan ng eden bago nahulog ang tao sa pagkakasala.
"Iyong ituturo sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailan man. (Mga Awit 16:11)
--------------------
Ang tao na nilikha ng Diyos ay pinaghanda niya ito ng Kaharian na kanilang mamanahin buhat ng itatag ang sanlibutan?
"Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan: (Mateo 25:34)
-------------------
Gaano ba kahalaga sa harap ng Diyos ang buhay ng isang tao? Ano ang katumbas nito!
Sapagka't ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? (Mateo 16:26)
Walang katumbas ang buhay ng tao sa harap ng Diyos kahit ang boung sanlibutan ay hindi pwedi itumbas sa halaga nito sa harap ng Diyos.
Comments
Post a Comment